Saturday, August 18, 2007

Posible Kaya?




Dito ako nag-umpisa. Dito sa pagsulat, pagtalumpati, at pagpapahayag sa sariling wika. Kaya nang mabasa ko ang anunsiyo tungkol sa timpalak na ito, ako ay napahinto; napatigil nang matagal-tagal. Sa ilalim ng damit at dibdib na ito na bagama’t nabasa ng ulan sa labas, may kung anong bagay ang sumiklab, pagkatapos ay umalab; at hindi naglao’y, tulad ng bunton ng kahoy na nabuhusan ng ga-as, ito ay tuluyang nagningas.

Nadadramahan na ba kayo? Hayaan nyo na ako. Matagal na – sobrang tagal na – nang huli akong sumulat at nagpahayag nang ganito. Subalit hindi ba’t tunay na masarap bigkasin ang mga salita ng ating Wikang Pambansa?

Cinco de Junio. Ah, sa Pasay ito. Sa may FB Harrison at malapit sa Cartimar at Libertad. Dekada Otsenta. Dito ako dinala ng aking alaala. Dito nag-umpisa ang paggamit ko ng wikang pambansa, ang Tagalog o Pilipino kung tawagin noon. Bagama’t Bikol ang unang wikang natutunan, madali naman akong natuto ng wikang aking ginamit nang maraming taong pag-aaral ko sa Maynila. Sa pamamagitan ng wikang ito, nalaman ko ang kwento ng ating kasaysayan; naipakilala sa akin ang ating nakaraan bilang isang lahi at ang ating mga magigiting na ninuno’t bayani; at naipaintindi sa akin ang mga samu’t saring bagay pa dito sa mundo. Sa pamamagitan din ng wikang ito unang umusbong ang hilig ko sa Arte o Sining. Sa kanyang mapangpukaw na diwa sumibol ang aking pagmamahal sa ating Inang Bayan – at ito’y ipinakita ko sa pamamagitan ng pagsulat, pagtalumpati, at kahit pag-arte sa entablado.

Kaya itong aking pagsali ay, una sa lahat, isang pagpapasalamat, pagkilala at pagpaparangal sa ating Wikang Pambansa. Pangalawa, ito rin ay isang pagkatig sa kahalagahan ng aking wikang unang natutunan at patutuloy na minamahal – ang Bikol – at sa iba pang mga wika, tulad ng Ingles, na sa tingin ko ay makakatulong din sa ating paglalakbay sa buhay sa mga panahong ito. Pangatlo, ang aking paglahok dito ay itinuturing ko ring isang oportunidad upang makapagpahiwatig ng aking damdamin tungkol sa tema natin ngayon.

Ngunit “Maraming Wika, Matatag na Bansa”? Hindi ba ito ay halos puwede nang ituring na “oxymoron” ng iba? Maraming wika at matatag na bansa? Posible kaya? Hindi ba’t sabi ng iba kaya nga tayo’y hindi magkaisa dahil sa wika na lamang ay watak-watak na? Tapos heto ngayon ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na nagsasabi: OO POSIBLE!

Sa ganang akin, ito ay posible nga. Hindi hadlang ang pagkakaroon ng maraming wika sa pagkakaisa ng ating bansa. Bagkus itong pagkakaibang ito ay isang kalakasan na dapat nating ipagdiwang. Hindi ba’t hindi maganda ang isang hardin na kung saan ang mga halaman ay pare-parehong anyo, kulay, at amoy? Ika nga ng isang banyagang manunulat:

“The garden which is pleasing to the eye and which makes the heart glad, is the garden in which are growing side by side flowers of every hue, form, and perfume, and the joyous contrast of colour is what makes for charm and beauty”

Hindi rin imposible na pagyamanin nang sabay-sabay ang wikang kinagisnan, ang wikang pambansa, at ang wikang gagamitin natin sa pakikilahok sa pandaigdigang pangangalakal, pakikirelasyon, at pagkakaisa. Mismo ang maimpluwensiyang pandaigdiganang organisasyon na Goethe-Institut (ito ay naka-base sa Alemanya) ay nagsabi na hindi lang may kakayahan ang utak na matuto ng maraming wika (multilingualism), ito rin ay paraan upang mas maging maunawain at intellectually flexible ang mga tao. Bagama’t ang kanilang pag-aaral ay ginawa para sa Europa, sa tingin ko ito ay makabuluhan din sa atin dito sa Pilipinas. Sa magkawangis na sitwasyon sa atin dito, ang Europa ay marubdob ding naghahangad ng pagkakaisa, upang maging mas matatag, sa pamamagitan ng European Union sa kabila ng mayaman din pagkakaiba-iba ng kultura, kaugalian, paniniwala, at lenggwahe ng mga tao dito. Ayon pa sa pag-aaral nila:

“To be fluent in two or more languages is an individual and social resource in contemporary Europe

Inaalala ko rin palagi na ang wika ay hindi lang behikulo para maipahayag ang aking saloobin, kaisipan, at damdamin, ito rin ay isang ekspresyon ng aking pagkatao o pagkakakilanlan. Ako ay Bikolano, Pilipino, at Tao.

Sa isang banda naman, buhay na buhay din sa puso't isipan ko ang minsang nasambit ni Propesor Randy David ng Unibersidad ng Pilipinas, sa pamamagitan ng isang diskurso na kanyang binigkas sa 6th Ayala Young Leaders Congress noon taong 2004 na kung saan ako ay dumalo bilang isang delegado. Sabi ng ginagalang na propesor sa sosyolohiya:

“For better or worse, Muslims and Christians, elites and masses, and diverse ethno-linguistic communities have found themselves thrown together in A COMMON SHIP known as the Filipino Nation…a shared destiny.”

Sa madaling salita, iisang bangka lang tayo - kahit pa meron tayong mahigit sa 170ng wika at kadikit nito ay ang iba-ibang din nating kultura, paniniwala, at kaugalian. Ito ay isang katotohanan na hindi maaring itangi, ipagkaila, at pabulaanan - kahit nasaan ka man; kahit kailan man.

“Maraming Wika, Matatag na Bansa”?

"Maraming Wika, Matatag ng Bansa"!

POSIBLE KAYA?

POSIBLE KA
YA!



(UPDATE: To vote, spend just ONE MINUTE, and please register here first. Kung naniniwala at naantig kayo sa tinuran ng iyong abang lingkod, SUPPORT naman po dyan o. Mabalos! ;>)




PinoyBlogoSphere.com | Pinoy Bloggers Society (PBS)

presents

Wika2007 Blog Writing Contest

Theme: Maraming Wika, Matatag na Bansa



Sponsored by:

Ang Tinig ng Bagong Salinlahi

Sumali na sa DigitalFilipino.com Club

Sheero Media Solutions - Web Design and Development

Yehey.com - Pinoy to p're

The Manila Bulletin Online

WikiPilipinas: The free ‘n hip Philippine Encyclopedia

16 comments:

Anonymous said...

Welcome back! I can't believe you're using that language. Anyway, oxymoron talaga (no pun intended). I wish Kristian joined. Surprisingly, there is a handfull of entries from Bicolano bloggers. Speaking of Bicolano bloggers, kamo palan an organizers kan Bicol Bloggers' Summit this November? Finally, makaka-attend na ako. Why not this September, baad may mga bagbalikbayan o bakasyon na mga blogger. Good luck! Officially, this is my first comment on this blog.

Anonymous said...

waaaah! meron Bicolano bloggers' summit? am interested. ;]

anyhoo, sa totoo lang mas enjoy nako magblg in Tagalog. sooner or later, try ko naman in Bicol. hehe. nice blg bes! ;]

Ducks said...

Mabalos Filipinayd and HumanShredder! It's a great day! Both of you just made your first comment on my blog! =) Anyway regarding the summit, I just saw JR Relloso (of Ateneo) here at Avenue Square a while ago and we talked about that in passing. We had scheduled a meeting next week to discuss the proposed summit in detail. Let's keep our fingers crossed. Finally, regarding my entry, sa totoo lang, nakulangan akong oras, hehehe, sibot-sibot kaya digdi sa Avenue. Photo-finish iyan. LOL. Dakul pa kuta ako gusto sabihon asin itukar. Pero okay lang, importante nakapagparticipar. Magayunon kaya an grupo, kaya sabi ko maray pang makihulnakan. Malay ta baga? hehehe Saka nag-enjoy akong gamiton guiraray ang Filipino. Bes, yup, matry man ako mag-Bikol sa sunod.

Mae said...

wow... I miss Bicol!!! The language, the place, the people, etc... I'm Maine, a bicolana too, but i was raised here in Leyte. I understand the lang but can't speak it anymore. I miss speaking it. Thanks for joining. i like your article a lot and aside from that, reading the comments keeps me in touched with my roots. More power to your writing career, hope you win. by the way, do you know Jing or Jet Bercasio of Legazpi? well, anywayz, i'll look around your site. God bless...

Janette Toral said...

Congratulations sa iyong entry at sana ay magwagi ito.

Nakakatuwa na ang isa sa mga naunang blog communities sa bansa natin ay magkakaroon na ng sariling summit. Sana ay maging matagumpay ito. Cheers!

Ducks said...

Wow. 5 comments hehehe. Ang saya! Not to mention the great increase of visitors this blog had since sumali ako sa contest. Sana marami pang magcomment para naman malaman ko ang mga saloobin ninyo. Ika nga ni Tito Boy Abunda, "Kaibigan USAP TAYO!" hehehe. Ayan nawiwili na talaga akong mag-Filipino. =) Anyway ---

MAINE - Welcome to The Quackroom! Mabalos sa mga pag-umaw asin pagbati! (Naintindihan mo? =)). Sana hindi ito ang huli mong pagbisita dito. REgarding Jing or JEt Bercasio, kung tubo silang ALbay, malamang kamag-anak ko sila. Malaking pamilya ang pinaggalingan ng lolo ko, kaya lang nagkawatak-watak sila dahil daw sa hirap ng buhay noon. Maraming Bercasio ngayon sa buong mundo. Ilan sa kanila nakilala ko na sa internet. =) Sana nga Maine manalo. Balatuhan kita =) HEhehe. Suportahan natin ang lahat ng Bicolano entries! Mga Oragon iyan gabos! =)

Hi Janette! Nakakatuwa naman na isa sa mga kagalang-galang na HALIGI ng Philippine Internet at Blogging Community ay nagpost ng kanyang kauna-unahang comment sa blog ko. =) Welcome po! And thanks for the compliment and the wish! =) Ya, I am really excited for the summit. Talaga? Isa sa mga unang blogging communities sa bansa? That's a great trivia ha? =)

Ducks said...

Nya..four (4) lang pala. =) Yung isa pala sa akin din. hehehe. Okay pa rin! =) Ika nga nyan eh, "the more, the merrier"

Ducks said...

By the way, update po sa Wika 2007 VOTE, may dalawa na ding boto ang entry na ito. =) DIOS MABALOS po kay Pinoyblurker at kay Slowbro sa pagkatig sa akin entry. Sana ay marami pang miyembro ang bigyan ng "second look" ang entry ko (o ika nga in Rey Valera, ng "kahit konting pagtingin"), unawain ang aking nais iparating, at maramdaman kung gaanong pagmamahal at pagtatanto ang pinagmulan ng gawa ko. Visit nyo po - http://pintig.pinoyblogosphere.net/story.php?title=
Posible-Kaya-by-Donald-Bercasio

o di kaya dito - http://pintig.pinoyblogosphere.net/index.php?category=
Wika2007

Anonymous said...

Hey there, you have a very good entry. Glad to know that Bicolanos are rising up for our languages. Good luck on your piece :)

Anonymous said...

Waaah! Bikolano ka! Gusto ko an konsepto kan blog mo. Tabang man sa Bikol Wikipedia project. Tnx.

Anonymous said...

maray na aldaw? atenista ka from naga? yaon jan ang tugang ko... hehehhe.. eway, hmm... ngayon ko lang talagang napatunayan dakol mananggad palan na mga bicolano sa blogosphere. nagpaparahalat akong magkaharanap kamo. hahahha!

marayon ang post..

keep it up.. cenxa na po.. minsan, nadidipisilan ako magsurat sa bicol.. pero tatao man talaga ako.. hahahaha... conscious... :D

Anonymous said...

Ducks, hain na an badge kan Bicol Bloggers Summit ta ikaag ko na sa blog ko? Hehehe Invited sa De Quiros, MLQ3 etc.? :D

Anonymous said...

Hi Sir Ducks! Hehehe. Idol namin to si Sir Ducks sa Ateneo. Ten Outstanding student to of the Philippines nang naggraduate sya noon 2005, tingnan nyo friendster nya, saka pinakamagaling na President to ng Gabay, ang scholars organization sa ADNU. saka makabayan talaga to hehehe..palagi kami sinisermonan regarding sa pagiging apathetic ng ibang students regarding social issues..Endi ba Sir? Oiii..Hehehe..Goodluck sir sa competition..Coming from us -- hulaan mo..pinakamaganda at pinakamagaling mong naging students dito sa ADNU hehehe MWAHZ!

Ducks said...

WELCOME everyone! Kaka-online pa lang. So busy with our preparations for our events this month and for next month!

Timlight, so you are a Bicolano too? =) That awesome! And thanks for the compliment ha. You also have a great entry with so many many supporters to boot. =) A following I can only wish and aspire for right now =( Anyway, good luck to yours also!

andianka, yup atenista po ako. ay eu? anong course kan tugang mo?=) anyway, good to know you also. taga-albay ka? ang bercasio tubong tabaco, albay.=)

ANONYMOUS -- hahahaha! Sa irisay kamo!? Garo bistado ko kamo hahaha! Grabe man ang pag-build up nyo sa akin ha! Hahaha, nakakatuwa pero at the same time, nakakahiya. Kayo talaga. Ano ba gusto nyo? Hehehe Joke. Nwei, thanks thanks! Pasensya na sa mga sermon noong time na yun, para din sa inyo yun =)

filipinayzd, badge? dai ako gayo tatao kaiyan. tarabangan ta iyan. mas matibay ka diyan! =) Sige invite natin si MLQ3. Pero si De Quiros? Hmmm..I stopped reading his write-ups eh..halabang istorya pero istorya ko one time ---

Anonymous said...

Posibleng posible na maging matatag ang bansa kahit pa maraming wika, ngunit dapat ay mamulat muna ang mga Pilipino sa kagandahan at advantages nito.

Napakagandang entry. Akmang-akma ang sinabi ni Prof. Randy David sa tema.

Ducks said...

couldn't agree more with you ms. shari. and thank you very much for taking time to visit my blog. Isa pong malaking karangalan na napasyal ka dito't nag-iwan pa ng mensahe.

Dios mabalos po sa pagbati asin pag-omaw. Thank you so much for the kind words! Mabuhay po kayo!