Mga minamahal kong kababayan,
Kaninang 1:30 ng hapon ang siyudad ng Makati ay niyanig ng isang malakas na pagsabog. Taliwas sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na ito ay hindi nagmula sa pagsabog ng tangke ng LPG. Lumalabas na mas malamang na ito ay dulot ng isang pampasabog.
We assure everyone that a full blown investigation is now underway. The Philippine National Police and the Armed Forces of the Philippines are on highest alert and are fielding an additional 2,000 personnel to secure our public places and to prevent a possible similar occurrence.
I warn those who seek to destabilize our government not to exploit this incident for their selfish political motives.
This is the time for all of us to unite. We urge all sectors to remain vigilant as the government steps up security measures to protect our people.
Hinihikayat ko ang ating mga kababayan na maging mapagmatiyag habang nagpapatupad ang mga awtoridad ng mas mahigpit na seguridad sa mga pampublikong lugar para na rin sa kanilang sariling proteksyon. Sana ay maunawaan ng ating mga kababayan ang mga pag-iingat na ating isasagawa.
Ako ay lubhang nalulungkot sa pangyayaring ito at ipinapaabot ko ang aking taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi. Ang mga kinatawan ng DSWD at National Disaster Coordinating Council ay kasalukuyang nakikipagugnayan sa mga biktima upang maipagkaloob sa kanila ang angkop na tulong.
Sama-sama po tayong manalangin at magtulungan para malampasan natin ang pagsubok na ito.
Saturday, October 20, 2007
Glorietta Blast: Full Statement of President Gloria Macapagal-Arroyo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment